Mabuhay! Welcome to "Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Filipino Poems in the Philippines! Here in this blog, you will find a collection of original tagalog poems. Please, feel free to browse at our archive. Thank you! -avonadarna
Maraming salamat sa pagbisita sa blog na MGA TAGALOG NA TULA SA PILIPINAS. Ang blog na ito ay naglalaman ng mga koleksyon ng mga tagalog na tula na (maaaring) tumutugma sa diwa, damdamin at panlasa ng literatura at panitikan ng mga makabagong Pilipino dito sa bansang Pilipinas.

Ang PANITIKAN at LITERATURA ng PILIPINO sa larangan ng TULA ay ang pinakamasining at malikhain na paglalapat ng mga kalipunan o grupo ng mga salita sa wikang Tagalog. Ito ay naglalarawan ng isang diwang (maaaring) naglalaro sa isipan ng sumulat.

Ang may-akda ng Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas ay nilalang na nagnanais maghabi ng mga salita sa tagalog at isalaysay ang mga kuwento sa pamamagitan ng mga linyang may tugma at sukat (o sa malayang taludturan din) na gaya ng isang tula!

Mabuhay ang Tagalog na Tula sa Pilipinas at ang mga makatang Pilipino!

TULA AT ERASERHEADS | FILIPINO POEM

Tula Para sa Eraserheads
eheads
Eraserheads



Pinoy Band Eraserheads - Filipino Treasure
ni: Avon Adarna

Ang Eraserheads nga muling nagpaplano
Na ulitin itong naudlot na konsyerto,
Bitin nga sa concert lahat ng mga tao,
Si Ely Buendia sumakit ang puso!

Kahit ano pa ang gawin na paraan
Hindi na niya kaya sakit karamdaman,
Sa ospital na nakita, mga kaibigan,
Masakit ang nangyari, umiyak mga fans!

Favorite ko ang ERASERHEADS Band
Walang ibang tugtog na pumapainlanlang,
Music nila kasi’y aking nagustuhan,
May lalim ang lyrics kahit minus one!

May collection ako ng mga MP3
Lahat ng song nila’y aking itinatabi,
Pinatutugtog ko kahit na sa gabi,
Gising kapitbahay, pati na butiki.

Nai-download mo ba kanilang mga song?
Marami ang website na pwedeng magtipon
Song title ang siyang i-recall mo ngayon,
Hanapin ang FREE sa bawat station,

Inspiring talaga bawat song nila,
Ngingiti kahit nalulungkot ka,
May ligayang dulot sa bawat isa,
Download mo din sa puso ang member nila.

Si Marcus Adoro at Ely Buendia,
Raimund Marasigan, at Buddy Zabala,
Wala kang itatapon magagaling talaga,
Walang panama ang Yano, pati River Maya.

Download mo lahat wag kang magtatapon,
Mp3 at album at mga compilation,
Igawa mo ng folder na may dedication,
For sure you’ll be happy even if you’re alone.

Nariyan ang sikat na Huling El Bimbo,
Overdrive, Hard to Believe pati na Torpedo,
With A Smile, Kailan, Grounded ang GF Ko,
Maselang Bahaghari, Fruitcake at Pare Ko,

I-download mo na din Alapaap, Kailan,
Huwag Mo Nang Itanong, Magasin at Toyang,
Para sa Masa at Tuwing Umuulan,
Bogchi, Kaliwete, Ligaya, at Minsan.

Spoliarium At Maling Akala,
Sembreak, Julie Tear Yerky, Tindahan ni Aling Nena,
Pop Machine, Maskara, Palamig, Harana,
Ilan lamang sa song tiyak magaganda.

Sila’y nakilala Beatles of the Philippines,
Favorite ng adult pati lahat ng teens,
Kanta nilay nagdulot ng mga influence,
Original Pinoy Music sila nga itong the best.

Eraserhead’s songs pati mga album,
Laging patok dito, laging platinum,
Awards na marami at mga recognition,
Masasabi na sila ay sadyang mga icon.

Alay ko ang tula kong ito,
Sabihin man akong cornyng totoo,
Wala naman akong ibang iniidolo,
Eraserheads lang, una-unang sa gusto.

Ang Eraserheads ay Filipino band
Wala ngang kupas mataas na kalidad,
Huwag kang kokontra wala silang katulad,
Sa OPM industry : pinakasikat!

----

Paglalarawan: tula na tagalog, simpleng tula ng pinoy, filipino poem na may mababaw na salita.

TULA | PAANO SUMULAT NG TULA

KATHANG ISIP NG MAKATA

Tula lang nang Tula!


Paano Sumulat ng Tula
ni: Avon Adarna

Paano sumulat ng magandang tula?
Kailangan bang ito’y may sukat at tugma?
Paano kung hindi makita ng diwa?
Ang tula bang ginawa’y mababale-wala?

Ang aral na diwa’y dapat bang taglay
Ng tulang binanggit, kailangang makulay?
O sapat na rito na parang salaysay
At tila kwento lang ng mga bagay-bagay?

Kailangan bang ito’y magsilbing aral,
Sa bawat babasa’y dapat na umiral
Kaisipang dala ng tulang pedestal,
Lalagi bang wasto sa utak ng hangal?

Sa literatura, sining, panitikan,
Ang tula na yata ang pinakamainam
Pagkat nakasalig sa imbay ng paham,
Ipinanganganak sa sinapupunan.

Diwang nasa bungo ng makatang lingkod,
Ang siyang nagtulak, sa kanya’y nagbunsod,
Upang ang tula’y tumatak sa likod
Ng bawat babasa’y hindi na malimot.

Kung ako ang siyang tatanungin,
Hindi ko na yata pakaiisipin,
Ang tula ay tula: mababaw, malalim
Ito’y isang daan upang makagising.

Tula ay pumalag tuwang kalooban
Kahit sabihin pang siya’y kabataan,
Kung buhat naman sa loob at isipan,
‘Di na dapat isipin ang kahulugan.

Nasa utak na ng nagmamay-ari,
Kung ano'ng ibig itukoy sa sinabi,
Ang tula na inukit ay alay sa sarili
Pagkat maaaring lumipad sandali.

Maisisigaw mo tinig ng hininga,
Sa tula ay hari ikaw na makata,
Lalaruin ang buwan pati mga tala
Pwedeng makasiping lahat ng artista.

Magiging daan din sa paglalakbay
Talata ng tula ay walang hanggang gabay,
Pangarap na yaman naisasabuhay
Lungkot mawawala, kahit nalulumbay.

Sa pamamagitan ng aking mga sulat,
Nailalabas ko ang pintig sa lahat,
Hindi man nga ito buting isiwalat,
Tutula’t tutula kahit maging malat.

Ang lahat ng tula mayroong layunin
Ito’y ibubunyag matapos hagurin,
Ilalapat ang tono kahit na nga bitin,
Itula mo na lang ang ibig sabihin.

Kung napipilipit dilang baluktot,
Hayaan na lamang ang pagkakalukot,
Ang nais nga lamang ay maipulupot,
Ang tula sa mundo’y ating ihandog.

Ano pang iyong itinutunganga?
Walang patlang dito ang nakatulala,
Gumawa ka, bilis, tumula nang tumula,
Huwag mong isipin ang anumang hiya!

( Isang Tula Para sa mga Makata ng Pilipinas )

TULA NA TUNGKOL SA PAGKAKAIBIGAN

FRIENDSTER ACCOUNT ---- KAIBIGAN-GSTER?

Nagtatalo ang isip pati kalooban,
Hindi ko maisip hindi ko malaman,
Alin ang mas sikat sa mga kabataan
Sa social networking na pangkaibigan?

May Friendster na milyon itong mga member,
Sila raw ang una, maraming follower,
Hindi daw tataob sa dami ng user,
May Freindster account din kasi pati mother at father.

Ang Myspace naman, walang pagkapanis,
Sumikat na rin nga sa network na business,
Member naman nila sobra-sobra, labis-labis,
Mas marami pa daw sa butil ng mais.

Mayroong isa pa na social networking,
Facebook naman kung siya ay ituring,
Talo daw ang Friendster at pagkagaling-galing,
Wala kang masabi sa dami ng haling.

Friendly network site ang itatawag mo ,
Na ang layunin nga’y pag-isahin ang mundo,
Pwedeng makilala kahit Amerikano
Basta't may account, magiging friend kayo.

At kailangang humanap ng friendster skin:
Template at background, ibig kong sabihin,
Mag browse sa internet at tumingin-tingin,
I-paste mo ang code hanggang magkaduling-duling!

Ang Friendster account mo’y isipin mong bahay
Na dapat malinis maganda’t makulay,
Kasing ganda dapat ng lugar na Boracay,
Walang bibisita kung nakakaumay.

At sa pagpunta nga ng iyong amiga,
Friendster skin mo’y kanyang makikita,
Siya’y gaganahan sa pag-aanalisa,
At siya sigurado may comment na maganda!

Pwede ring i up-load picture na naka smile
Lahat ng picture lahat ng may style,
Sa Friendster lahat pwedeng mong ilagay
Nakanguso, nakadila pati naka peace sign!

Mag register na kung hindi pa kasali,
O log-in na kayo hanggang sa mawili,
Enter lang ang e-mail ang 'yong identity,
Password ang katapat, maaari nang maging friendly.

Pero bago ka humataw nitong invitation,
May ilang bagay kang dapat maging layon,
Kung hindi kakilala'y dapat maging baon,
Ingatan ang sarili sa lahat ng panahon!

Pagkat sa alin mang bagay na mabuti,
May dulot na sama, aking masasabi,
Kailangang pairalin ang internet safety,
Sa Friendster nagkalat may hangaring marumi.

Tuwing sa oras na may mag-aanyaya;
Eyeball daw kayo sa sulok ng Trinoma,
Isipin mong lagi sa pakikipagkita
Ang pagiging handa sa anumang sakuna.

Pagkat marami nga ang may samang balak,
Akala mo’y friendly yun pala’y talamak,
Baka kung saan, kaniya kang itulak,
Hala! Nagising kang hubo ka na’t hubad!

Dito na papasok ang matibay na pader,
Na ang friend mo pala ay Kaibigan-gster,
Pinaikot lang pala ang lahat sa Friendster,
Siya naman pala'y rapist at holdaper!

Pero sa social network na uring ganito
May ligaya din naman at saka konsuwelo
Ang tuwa at galak sa loob ng tao
Ay ang dumami pa ang mga amigo.

Marami na rin ang nagkatuluyan
Sa Friendster website ay naging magkatipan,
Nauwi sa ligawan hanggang sa kasalan
Ang Friendster ang siyang naging dahilan.

Nagbunga rin naman kanilang relasyon,
Ang naging mag-asawa ay Pinay at Hapon,
Kaya nagsilang --- “a baby was born!”
Friendsterick ang name alam n’yo na ang reason!


TAGALOG TULA SA PAGKAKAIBIGAN

MAKABAGONG TULA ALAY SA BORACAY


Boracay Island - The Paradise Island


Boracay Island ay isang paraiso,
Tanyag sa Japanese, Chinese, Amerikano,
Pumupunta rin pati Aprikano
Hanap ay Boracay kahit mga Negro.

Sumikat ang Pinoy at ang Pilipinas
Sa tourism ay tanyag at pumapagaspas,
Pagkat ang imahe ay tila sa hiyas,
Sa krisis at hirap parang ika'y lunas!

Maimbay ang alon sa Boracay Island,
Humihintong kusa sa dulo ng white sand,
Sa gitna ng dagat, ang dalampasigan
Naukit ang lihim nitong kagandahan.

Ang bato-balani sa mga turista,
Laging nadadaig, parang hinihila,
Sila’y naaakit sa taglay mong ganda,
Parang sa dalaga, kinis porselana.

Cottages sa beach, resort na may hotel,
Sa Boracay makikita pati mga model,
Naka two-piece-bikini kahit na may muscle,
Lulubog sa ilalim suot ang snorkel.

Kung sa umaga’y kayganda mong dilag,
Ikaw na Boracay, laging naglalayag,
Sa gabi naman, ikaw batong buhay,
Hindi ka natutulog, hindi naglulubay.

May beerhouse, nightclub, saka mga disco,
Boracay ay libang na nakalalango,
Ang mga dayuhan, mga bisita mo,
Sa lalim ng gabi’y lasing sigurado.

Ang mga bugaw, may sariling diskarte
Mayro’n silang offer, hindi ka tatanggi
Mura lang ang aliw, kung nais ng lalaki
Ingat ka lang Pare, baka makuryente.

Kaya pumunta ka dito sa Boracay,
Walang pasubaling masaya ang buhay,
Ngiti sa pag-uwi lubusan mong taglay,
Kapalit ng pera mong inutang sa Bumbay!

BORACAY - PARAISONG BUHAY!

TULA TUNGKOL SA ABORSYON



SILANG MGA WALANG DIYOS
ni: Amelia Clapiz
(tula sa tagalog na tungkol sa abortion)

Siya’y nagsimulang dugo sa balakang,
Sa simula’y walang malay,
Walang hugis, walang kulay.

Siya’y sanhi ng isang palag ng kasamaan.
Siya’y bunga ng mga kasidhian
Ng mga pag-aalab, ng mga kapusukan.

Lumangoy siya sa sinapupunan ng ina.
Nagkaroon ng buhay, umamot ng hininga,
Biniyayaan ng dakilang Bathala.

Ngunit narito na naman ang imbay ng hangal
Ang puso’y nalupig ng bigong kasal.
Sarili ang isinalang, ibinalibag ang diwang banal

Hinatulan siya sa dilim na pusikit.
Siya’y walang puwang sa daigdig,
Sa impiyerno man o sa langit.

Siya’y sinikwat, niligis inukit, ,
Winasak, dinurog, sinaklit,
Siya’y kinarit, Hindi nakakapit!

Humantong sa ilalim, doon sa kawalan!
Hindi nila siya binigyan ng kalayaan
Ipinagkait ang pintig ng damang kabutihan!

Mensahe galing sa makata: Abortion is illegal in the Philippines. The Revised Penal Code (Act No. 3815, Article 256-259) defines the various ways and means by which abortion is committed, by whom, and their corresponding penalties: reclusion temporal, prison mayor, and prision correccional .

The penalties cover:

any one who causes intentional abortion by using violence on the person of the pregnant woman; or, if he acts without violence, acts without the consent of the woman;
any person who causes unintentional abortion by violence;
abortion practiced by the woman herself or by her parents;
abortion practiced by a physician or midwife dispensing of abortive;
any pharmacist who, without the proper prescription from a physician, dispenses of abortive.
While it makes abortion punishable, the law has been hard to apply because no aggrieved party or complainant comes to the courts to file a criminal case on an abortion.

But just because the law is hardly applied does not mean that crime is less offensive. It only indicates that the right to life of the unborn is an issue that Philippine society, in general, has refused to confront.

excerpt from: Pro-Life Philippines
Amelia Clapiz

TULANG TUNGKOL SA RELASYON


UNDER DE SAYA
ni: Avon Adarna

Hatinggabi na ng ikaw ay dumating,
Lagabag ng pinto'ng sa aki'y gumising,
Suray ng aninong naglaro sa dilim,
Tanda lamang giliw na ikaw ay lasing!

Bigla ang kabang pumasok sa diwa,
Batid ko na hirang ang mangyayaring kusa,
Kumawalang ungol sa iyong hininga,
Hudyat nito'y ako na naman ang kawawa.

Suntok mo sa aki'y di na alintana,
Pagkat pagsamo ko'y wala ring halaga.
Sige lamang... sige, sapak mo at sipa,
Maghihintay ako hanggang sa magsawa!

Wala ka na bang natitirang bait,
Awa't pagmamahal wala rin sa dibdib,
Ang kaluluwa ba'y sadyang mapanlupig
Di ka naaawa, sagad ka sa lupit!

Bukas ng umaga'y maghihilom din naman,
Sugat, mga galos, pasa sa katawan,
Bukas ng umaga'y mawawala rin naman,
Ang init ng alak sa iyong katawan.

Ang akin lamang ipinakikiusap,
Baka nawawala sa iyong ulirat,
Ako pa rin siyang naghaharing-sukat
AKO ANG LALAKI BAKIT NAGHIHIRAP?

image: http://www.batteredhusbandssupport.com/

HALIMBAWA NG TULANG TAGALOG NG ISANG NAMATAY



AKO PALA ITONG ILILIBING NINYO!
ni: Avon Adarna

Ang nilalang na sumakabilang buhay
Saan paroroon at saan hihimlay?
Ang kaluluwa bang maitim ang kulay
Sa dagat ng apoy ang hantong na tunay?

At ang kaluluwa ng buting nilalang,
Pinto ba ng langit ang bukas na daan?
Sino ang hahatol, magbibigay puwang?
AMA ba o ANAK ang dito'y hihirang?

Nagising akong puno ng pag-asa,
Dumilat ang tingin sa ganda ng umaga,
Napagwari ko ding kaygaan ng umpisa,
Igting ng paligid ang bumulaga!

Ngunit ano itong nangyari sa amin?
Magulo ang tao, parang sa may piging,
Aba at nabigla, nagkaduling-duling,
Ako pala itong inyong ililibing!

(halimbawa ng tulang tagalog ng isang namatay)

ISANG TULA SA TAGALOG

Tula sa Tagalog Tungkol sa Pangungulila

"Kadalasan, may mga bagay sa ating buhay na kahit pilitin man nating abutin ay hindi natin napapasakamay. Pangarap man o magkaroon ng katuparan, ang lahat ng bagay at pangyayari sa ating mundo ay sadyang may dahilan."
ulan na malakas
Ang Ulan ay Pagsubok.
Nasaan Ka, O Haring Antok?
ni: Avon Adarna

I
Kung nakatutunaw ang titig at tingin,
Natunaw na sana itong puting dingding,
Kung nakapupunit, lagkit ng paningin,
Ang kisameng ito'y punit-punit na rin!

II
Ang tangi kong tanong sa puso't isipan,
Kailan darating, pilak mong kariktan?
Tigib ng pasakit itong katauhan,
Uhaw sa piling mo pati kapalaran!

III
Nakikidusta pa, nakikisiphayo,
Panahon sa labas, sa pusod ng mundo,
Ang ugong ng ulan ay nakikipaglaro,
Sa kulog at kidlat na 'di nagbibiro!

IV
Ako'y nananangis kay Bathalang ganap
Na masilayan na ang anghel na hangad,
Ako'y inalipin ng kahabag-habag,
Ang kintab ng talim, ulilang sumukab!

V
Bakit nagkakait, abang kapalaran,
Dugo't mga luha laging nakaabang,
Ang paghihintay ko'y ibig nang sukuan,
Alindog mo't bango ay di matagpuan!

VI
Saan ka nagpunta, O hari kong antok?
Hindi mo ba ibig ang aking pag-irog?
Hindi mo dalawin ang abang napapagod?
Hindi tuloy ako... hindi makatulog!

-mgatagalognatulasapilipinas2009

Kahulugan ng mga Salita:

1. siphayo – dusta, pang-aapi, panduruhagi, sawi

Ginamit ang “siphayo” sa tagalog na tula upang mailarawan na ang panahon sa labas (bagyo) ay tila tumutulong pang dumagdag sa kalungkutan ng taong ito.

Halimbawa:
Ang siphayong naranasan ni Miguel ang siyang nagpatibay ng kanyang kalooban upang labanan ang mga pagsubok.

2. tigib – punung-puno, umaapaw, liglig

Karaniwang ginagamit ang “tigib” sa tagalog na tula sa  paglalarawan ng mga hirap at sakit na dinaranas ng isang tao. Mas naipapahayag ang negatibong damdamin kaysa gumamit ng salitang “umaapaw” o “punong-puno” na nagtataglay ng mas maraming pantig kaysa sa salitang “tigib” na may dalawang pantig lamang.

Halimbawa:
Nang pumanaw ang kanyang mga magulang, natigib ng hirap ang buhay ni Arnel.

--------------------------------------------

Related Search:

• 12 pantig
• may sukat at tugma
• tagalog na tula
• tulang may kasidhian
• halimbawa ng madamdaming tula
• may ibang kahulugan tula

Iba pang Tula:

Tula Tungkol sa Aborsiyon

KALOKOHAN NG MAKATA

Halimbawa ng Tagalog na Tula 



NAGLADLAD KA NA, SINTA!
ni: Avon Adarna

Ang pipi kong dibdib, natigib ng luha,
Matapos marinig ang iyong winika,
Tila sinakluban ng langit at lupa,
Ang diwa ko'y kubkob ng pagdaralita.

Nagtagpo nga tayong wala sa panahon,
Inibig mo akong parang panginoon,
Di mo alintana ang aking kahapon,
Gayon din naman ako sa iyo ay gumon!

"Ikaw lamang sinta!" iyo pang tinuran.
Sa aking gunita'y di na mapaparam,
Sa laot ng isip ay nakasalansan
Pagkat ako nama'y gayon din naman hirang!

Ngunit nagbago kang sira ang pangako,
Wala kang pag-awa sa aking pagsamo,
Akala ko naman ika'y nagbibiro,
Ang sinabi mo pala'y malinaw na wasto.

Kung siya mong ibig na ako'y magdusa,
Walang magagawa , wala nga, wala nga,
Naniniwala na at walang magagawa
Ikaw nga ay isang naglalanding bakla!

TAGALOG NA TULA | PAG-IBIG

Tula Tungkol sa Pag-ibig

"Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod, at magandang loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis...." -1 CORINTO 13:4-8



PUGAD NG PAG-IBIG
ni: Avon Adarna

Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing,
Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
At kahit pa nga magdildil ng asin,
Duling na sa gutom, maligaya pa rin!

Ganyan bang pag-ibig... martir at dakila?
Sa wari'y bayani't sundalo ng digma,
Sugatan ma't lumpo, lalaban ng kusa
Ipakikibaka bansang sinisinta.

Walang pasubaling ganyan ang katulad
Ng magkasintahang nasa isang pugad,
Hindi papipigil harangan man ng sibat,
Pagkat alipin na ng pusong bumihag!

Ngunit kung minsan nga'y iba ang pag-ibig,
Humugis na talim - gahaman at ganid,
Kumikitil ito, sa buhay pasakit,
Luluha ka lamang ng dugo at putik!

At magkaminsan pa'y hatid nito'y sama,
Kasalanan ang siyang dala nitong bunga,
Buhay ng pag-ibig wala ngang kapara
Salimuot ng gulo, magulong dakila!

-mga tagalog na tula

"Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig. "

1 Corinto 13:4

Tulang tagalog na iniaalay sa lahat ng mga umiibig!

ISANG TULA PARA SA MASA

Ang politika at politiko dito sa ating bansa ay isang institusyong nangangailangan ng masusing pagbabago hindi lamang sa bulok na sistemang nakakubkob dito kundi sa nakaririnding kasamaan na lumalaganap. Narito ang isang tula sa tagalog na tungkol sa mga pulitiko at sa politika ng bansang Pilipinas.

Ang orihinal na tula ay maging inspirasyon sana sa lahat upang magsalita at lumaban sa oras na pakiramdam natin ay tinatapakan tayo ng mga higanteng lider ng bansa.

Ano'ng ginagawa ng pamahalaan?

MGA HAYOP SA PILIPINAS
ni: Avon Adarna

Labing-apat na hayop, nagtumaas, nagtumayog,
Nagharing uri sa pedestal at bantayog,
Niyukuran, tiningala, sinamba't sinunod,
Yaman, kapangyarihan ang sa kanila’y bumusog.

Masang alipin ‘di na alam kung saan susuling,
Pumurol na ang tabak, natunaw sa libing.
Ang ganti sa hagupit ng hayop na kapiling
Mga piping hiyaw, mga luhang haling!

Tangả ang sisira sa kalawang na bakal,
Yuyurakan ka kahit na luhuran,
Timawang hayop sa gutom ay basal,
Walang pagkilala kay Bathala at dasal!

Sa hukom ng Hari doon ang higanti,
Pagsibol ng araw sa dilim ng gabi,
Mga hayop na busog at mga nakangisi,
Sa apoy ng impiyerno, hahantong sa huli!

Maraming lider ng bansa ang nagtamasa ng katakut-takot na yaman na ninakaw sa kaban ng bayan. Mga yaman ng bansang hindi napakinabangan ng nakararaming mga mahihirap. Ang masang Pilipino'y isang pulubing nakatanghod sa isang panginoong hindi marunong maawa. Hindi nakauunawa ng higit na kahulugan ng salitang pag-ibig.

Ipagwalang-bahala man ito ng mga nakapaligid, umaasa akong sa mga huling araw at sa araw ng paghuhukom ay haharap sila sa tunay na Panginoon na maraming daing at pagsisisi ngunit hindi NIYA sila pakikinggan.

Ang tulang tagalog na ito ay inihahandog sa mga Pilipinong pasan ang hirap ng buhay.

TULA TUNGKOL SA PAGSILANG

Ang pagsilang ng isang sanggol buhat sa sinapupunan ng isang ina ay isang dahilan na hindi maikakailang tayo ay may isang umiiral na makapangyarihang Diyos sa lahat.

Ang tulang tagalog na ito ay ginawa ko upang maipakita na tayo ay nanggaling sa Diyos Amang nasa langit. Katulong niya sa ating pag-iral ang ating ama at ina na sa simula at sapul ay nag-aruga sa atin hanggang tayo ay makatuntong sa sarili nating mga paa.

Tunghayan natin ang tulang tagalog na may pamagat na:

panganganak
Pagsilang
PAGSILANG
ni: Avon Adarna

Ang punlang sumibol sa sinapupunan,
Ay ama at ina ang doo’y lumalang,
Pagka’t nakalutang ang pagmamahalan,
Sa kanilang puso bilang magkatipan.

Mahiwaga raw itong buhay ng tao,
Mula sa pagsilang hanggang sa pagyao,
Ang lihim ba nito’y walang pagtatalo
Sa Diyos nakabatay, wala sa kung sino?

Ang Diyos na lumikha ng langit at lupa,
Tumulong rin ba sa ama at ina?
Nagbigay ng pintig sa puso’t hininga,
Upang mabuhay pati kaluluwa?

Pasalamatan natin ng pagpapasakop
Ang Diyos na Bathalang sa ati’y kumupkop,
Ilagay mo sa diwa ang bawat pagsinop
Sambahin mo sa araw pati sa paglubog!

Hindi ka uusbong sa mundong ibabaw,
Kung ang tanging dahilan ay mga magulang,
Gumawa man sila sa gabi at araw,
Hindi mabubuo, hindi ka lilitaw!

Ang tanging dahilan na ika’y nabuhay,
Sa Diyos nakasalig, doon nakabatay,
Pasalamatan nga, purihing makulay,
Diyos na dakila, laging dumadamay!

Kung tayo’y nabuo sa pamamagitan ng Lumikha, maaari din nating pasalamatan ang ating mga magulang na naging sandata ng Diyos upang tayong lahat ay umiral sa daigdig.

Ang tula na tagalog ay alay para sa mga kabataan at mga magulang na ama o ina.

TULA NA TAGALOG PARA SA DIYOS AMA

Narito ang isang panalangin sa pamamagitan ng isang tulang tagalog. Ang Diyos ang ating sandigan at pinagkukunan natin ng lakas, kalusugan at buhay sa araw-araw. Sa kaniya nanggaling ang lahat ng mga bagay na may buhay at walang buhay. Sa buong isang taon na ibinigay niya sa atin upang tayong kaniyang mga nilalang ay gumawa ng kaniyang mga kautusan ay nararapat lamang na ating pasalamatan upang sa darating na panibagong taon ay maging maluwalhati at makabuluhan para sa lahat.

"This is a Christian Poem dedicated to God Almighty inspired by the blessings He had given us for the past years. Christian poetry is one of the most popular types of poetry, providing great pleasure to many people. Poetry with the powerful theme of Christianity often touches the emotions of the readers, and people are able to personally relate to many of the words and lyrics of such poetry."




AMA NAMING BANAL
ni: Avon Adarna


(Christian Poem for God the Father)

Dakilang Ama sa ikapitong langit,
Salamat sa buong isang taong marikit,
Puno man ng pagsubok, unos na malupit,
Matibay pa rin ang aming pagkapit!

Ikaw Ama namin, ang aming sandalan
Alam kong hindi kami pababayaan,
Kami ma’y laging balot ng kasalanan,
Ibigay mo pa rin ang kapatawaran.

Ang aming kapwa na nagkasala
Sa amin ng lubos ay pinatawad na,
Nagsusumamong ganun din naman sana
Ang sa amin ay igawad, parang awa mo na!

Kung naging suwail kaming mga anak
Nakahandang ilahad itong mga palad
Paluin mo kami ng pamalong hawak,
Upang magtanda nga at kami’y tumatag.

Tiklop-tuhod, Ama, kaming maliliit
Sinasamba ka naming walang pagsusulit
Wala nga kaming itulak-ikabig
Sa banal mong pangalan kami’y nakasalig!

At sa oras na ito Diyos naming banal
Inilalapit din namin itong mga hangal
Natutulog na puso, diwa na mabagal
Sakupin mo sana ng kayong balabal.

Hanggang dito Ama ang aming pagtangis
Ika’y ay aming iniibig ng labis!
Ilayo sa disgrasya, kabutihan ang ibihis
Gabayan mo kami sa mundong mabilis

Idinadalangin namin ang lahat ng ito
Sa pangalang ng ‘yong Anak na si Kristo
Tagapagligtas namin sa daigdig na ito,
Upang ipag-adya sa lupit ng imp'yerno!

Amen.

---

Mensahe ng makata: Ang tulang tagalog na tungkol sa Diyos Ama ay iniaalay sa lahat ng mamamayang Pilipino sa bansang Pilipinas. Mabuhay!


Paglalarawan: christian poem, religious poem, tula in filipino, philippine poem.

TUNGKOL DITO

Maraming salamat sa pagbisita sa blog na MGA TAGALOG NA TULA SA PILIPINAS. Ang blog na ito ay naglalaman ng koleksyon ng mga orihinal na tula sa tagalog at mga halimbawa ng mga tagalog na tula na tungkol sa iba't ibang pangyayari, karanasan, damdamin, kaisipan at opinyon ng mga sumulat sa iba't ibang larangan at kaurian ng mga may buhay at walang buhay na nilalang at kaniyang kapaligiran. Ang mga ito'y pawang kathang-isip lamang at anumang pagkakatulad sa mga nabanggit na mga bagay, pangyayari, tao, lugar o hayop at mga kagaya nito, dito sa ibabaw ng mundo o sa kalaliman ng karagatan, sa loob o labas man ng daigdig ay hindi sinasadya at hindi dapat seryosohin ng bumabasa.

Paalala
Gayunpaman, ang lahat ng mga nilalaman nito, tula man, sanaysay o maikling kuwento ay pag-aari ng sumulat at hindi maaaring gayahin, gamitin, kopyahin o ilimbag ng paulit-ulit, sa ano mang porma at disayn, kabuuan man o bahagi lamang nito ng walang pahintulot sa may-ari.

Para sa mga suhestiyon, komento o anumang katanungan at hangarin tungkol dito, maaaring mag-iwan ng kumento.

Maaari rin kayong magpadala ng inyong sarili at orihinal na tagalog na tula upang mailathala dito. Ipadala sa e-mail addresss na nasa itaas kasama ang inyong pangalan o alyas at hintayin ang mensahe kung kailan lalabas ang inyong ipinadala. Maligayang paggawa ng tula.

Iniaalay ng may-akda ang MGA TAGALOG NA TULA SA PILIPINAS sa mga kabataan at nilalang na nagnanais na mapagyaman ang Tulang Filipino ng makabagong panahon! Maraming salamat at maligayang pagbabasa!